Ahitkilay
Tuesday, October 12, 2010
How do I love Thee?
Gaano kita iniibig? itulot mong isaisahin ko..
Iniibig kita hangang kataimtiman, kalaparan at kasukdulan
Ang aking kaluluwa'y kaya kang sapitin, kapag ang pandamdam ay naglaho na
para sa katapusan ng Buhay at Huwarang Pagpapala.
Iniibig kita kahanay ng pangaraw-araw'
ng pinakamayuming pangangailangan, ng araw at tanglawan.
Iniibig kita ng malaya, gaya ng pagpupunyagi ng sangtauhan para sa Katarungan;
Iniibig kita ng dalisay, gaya ng pagbaling ng karamihan sa Kapurihan.
Iniibig kita gamit ang karubduban
Sa aking malaong pighati, katuwang ng aking musmos na pananampalataya
Iniibig kita ng may pagsinta na tila ba ito'y maglalaho na!
Sa gabay ng aking pintakasi, --- iniibig kita ng may hininga,
Ngiti, luha, lahat sa aking buhay! --- at kung itutulot ng Pangininoon,
Mamarapatin kong mas ibigin ka sa kabilang buhay
Bulaan
Pinipitpit ng mga bata
ang mapupulang gumamela
upang makagawa
ng mga lalaruanin nilang bula
Mga bula na kapag nakapagbigay na
ng panandaliang tuwa
Ay bigla na lang
MAWAWALA
Tuesday, July 6, 2010
Sa tabi ng Dagat
Marahang-marahang
manaog ka, Irog, at kata’y lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari’y kinuyom na rosas!
Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
nguni’t walang ingay,
hangganq sa sumapit sa tiping buhangin.
Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nanginigmi,
gaganyakin kata
sa nangaroroong mga lamang-lati:
doon ay may tahong,
talaba’t halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?
Pagdadapit-hapon
kata’y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw.
Talagang ganoon:
Sa dagat man, irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan.
manaog ka, Irog, at kata’y lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari’y kinuyom na rosas!
Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
nguni’t walang ingay,
hangganq sa sumapit sa tiping buhangin.
Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nanginigmi,
gaganyakin kata
sa nangaroroong mga lamang-lati:
doon ay may tahong,
talaba’t halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?
Pagdadapit-hapon
kata’y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw.
Talagang ganoon:
Sa dagat man, irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan.
Subscribe to:
Posts (Atom)